Skip to main content

Mga Kwentong Barbero (Barber's Tales) - Movie Review

Barber’s Tales (2013)
Written and Directed by: Jun Robles Lana
Cast: Eugene Domingo, Daniel Fernando, Eddie Garcia, Sue Prado, Shamaine Buencamino, Nicco Manalo, Gladys Reyes, Noni Buencamino, Iza Calzado, and Nora Aunor (cameo appearance)


Isang pelikula na nagbigay interest sa akin bago pa man ito ipalabas dito sa Pilipinas. Umiikot palang ito sa iba’t ibang bansa, sa mga international film festivals noong nakaraang taon, ay talagang nakasubaybay na ako dito. Binabasa ko ang bawat movie reviews, articles, blogs tungkol sa pelikulang ito. Mas lalo akong nagkainteres at napahanga nang  makatanggap ito ng maraming parangal sa labas ng bansa. Nang malaman ko na ipapalabas na ito dito sa Pilipinas di ako nagdalawang isip na panoorin ito. Di man ako nakapanood nang unang araw na ipalabas ito sa Pilipinas, gumawa talaga ako ng paraan para lang mapanood ito sa pangalawang araw nito.

Panahon ng Martial Law noon nang mamatay ang asawa ni Marilou (Eugene Domingo) na si Jose (Dante Fernandez) ang nag iisang Barbero sa kanilang lugar. Pinagpatuloy niya ang baberya dahil na rin sa pag endorse sakanya ni Father Arturo (Eddie Garcia). Noong una ay walang gustong magpagupit kay Marilou, wala silang tiwala dahil siya’y babae. Maraming pangyayari sa buhay ni Marilou ang nagmulat sakanya upang maging matapang upang hindi na maging mababa ang tingin ng lipunan sa tulad niyang babae

Oops… Di ko na ikukuwento lahat dahil yun ang mga eksenang kaabang-abang sa pelikula.


Dalawang beses ko itong pinanood, kauna-unahang pelikula sa buong buhay ko na dalawang beses kong pinanood sa sinehan. Para sa akin ganun siya kaganda at kung maaari lang nga ay uulit-ulitin ko ito.

Noong una ko itong pinanood di ko maintindihan ang nararamdaman ko, nilalamig na kinakabahan ako, ewan ko ba. Sa sobrang excitement siguro. Iilan lang kaming nasa loob ng sinehan. Napakatahimik nang lahat habang nanonood. Isa sa nagustuhan ko sa pelikula ay yung location nito. Sobrang lakas makaprobinsya talaga. Napakasimple nang pelikulang ito, pero mararamdaman mo talaga ang bawat eksena. Naipakita nito ng maayos at simple ang gusto nitong ipahiwatig sa mga manonood. Umuwi ako na masaya, gustong gusto kong magkwento pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil gusto kong panoorin din nila para malaman nila kung gaano talaga kaganda ang pelikulang Barber’s Tales. Sa tuwing magtatanong sila sa akin, eto lang ang nasasabi ko, “ Ang galing! Ang ganda!”.

Pang apat na araw ng Barber’s Tales, at yun ang pangalawang beses ko itong napanood, kasama ko ang Ate ko at ang kaibigan ko. Napansin ko na mas marami nang nanood kesa sa unang panood ko. At sa pangalawang beses kong panonood ay di pa rin ako binigo ng pelikulang ito. Kinikilabutan pa din ako! Parang nung first time pa rin yung feeling ko. Grabe!! Pero ang nag pa-emosyonal sa akin nung gabing iyon ay nung matapos ang pelikula at ang lahat ng audience biglang nagpalakpakan!! Pati kami napapalakpak din. Di ko talaga inexpect yun.. Grabe goose bumps!! Parang special screening lang ang peg! Doon mas lalo akong kinilabutan. Napayuko ako sa upuan at napaiyak. Buti nalang madilim sa sinehan kaya di nila ako nakita. First time ko din maexperience na pinalakpakan ang isang pelikula pagkatapos panoorin. Syempre wala naman doon yung Direktor o yung mga artista para palakpakan nila. Ibig sabihin yung pelikula yung pinalakpakan!


Perpect ang pagkakagawa! Simula sa location, sa paglapat ng musika na gawa ng nag-iisang Mr. Ryan Cayabyab na talagang namang madadala ka, sa script, sa cinematography, sa mga artistang gumanap. Lahat PERFECT!!      


Photo from @eugene_dear's instagram account

Napakahusay ni Ms. Eugene Domingo sa pelikulang ito, hindi dahil sa iniidolo ko siya kaya ako nagagalingan sakanya pero talagang nabigyan niya ng buhay ang character na Marilou. Kahit na sanay ang mga manonood na makita siyang nagpapatawa at kwela. Ibang-iba siya dito, may nakapagsabi nga sa amin dati na baka daw maculture shock kami kay Ms. Uge dito dahil ito ay full-length drama, pero alam ko naman kung gaano siya kagaling. Naipakita niya talaga kung gaano siya kaversatile na artista. Mas lalo ko siyang minahal at hinangaan dito. Simple lang yung atake niya, pero yung lalim ng karakter niya, susugat sa lalamunan hanggang puso. Ganun katindi!!



Photo from @eugene_dear's instagram account


Powerhouse cast kung powerhouse (Mr. Eddie Garcia, Iza Calzado, Noni Buencamino, Shamaine Centenera-Buencamino, Gladys Reyes, Nicco Manalo, and Sue Prado)! Lahat magaling, walang itatapon, ika nga. Lahat magagaling talaga. Bawat bitaw ng mga linya, plakado, ang gagaling kaya benta sa mga manonood.






Saludo ako sa nagsulat at lumikha ng pelikulang ito! Kay Direk Jun Robles Lana sa napakahusay na paggawa ng Mga Kuwentong Barbero! Ngayo’y isa mo na akong tagahangga.


Napakaganda ng konsepto, katotohanang bumabalot sa buhay ng mga Pilipino panahon man ng Martial Law o mapahanggang sa ngayon. Mga isyung hangang ngayon ay patuloy pa rin na dinaranas nating mga Pilipino.


Awards
2014 Madrid International Film Festival Best Director - Jun Robles Lana
2013 Tokyo International Film Festival Best Actress - Eugene Domingo
2014 Udine Far East Film Festival - Audience Award (3rd Place )

Comments

Popular posts from this blog

30 years of existence 💫

30 Things I Learned in my 30 years 1. Love yourself 2. Don't be afraid to be yourself 3. Love your family 4. Family first 5. Be humble 6. Be nice 7. Stay educated 8. Everything happens for a reason 9. It's ok to say NO. 10. Enjoy and be grateful with the things you have 11. Don't take your life and health for granted 12. Life is about give and take 13. Pick your battles 14. It's not always about the brand 15. Buy experiences NOT things 16. Save money 17. Be practical 18. It's ok Not to be Okay 19. It's ok to be introverted 20. It's ok to be alone sometimes 21. One close friend is 1,000x better than a group of friends 22. Life is about quality Not quantity 23. Don't give up easily 24. If you don't challenge yourself you are not experiencing life to its fullest 25. Make educated decisions 26. Be spontaneous 27. Ask yourself, are you working to live or living to work? 28. Don't forget to live 29. Keep slayin' 30. Sta...

Give yourself a break

 — Give yourself a break 🤎 🎨: Pinterest