Barber’s Tales (2013) Written and Directed by: Jun Robles Lana Cast: Eugene Domingo, Daniel Fernando, Eddie Garcia, Sue Prado, Shamaine Buencamino, Nicco Manalo, Gladys Reyes, Noni Buencamino, Iza Calzado, and Nora Aunor (cameo appearance) Isang pelikula na nagbigay interest sa akin bago pa man ito ipalabas dito sa Pilipinas. Umiikot palang ito sa iba’t ibang bansa, sa mga international film festivals noong nakaraang taon, ay talagang nakasubaybay na ako dito. Binabasa ko ang bawat movie reviews, articles, blogs tungkol sa pelikulang ito. Mas lalo akong nagkainteres at napahanga nang makatanggap ito ng maraming parangal sa labas ng bansa. Nang malaman ko na ipapalabas na ito dito sa Pilipinas di ako nagdalawang isip na panoorin ito. Di man ako nakapanood nang unang araw na ipalabas ito sa Pilipinas, gumawa talaga ako ng paraan para lang mapanood ito sa pangalawang araw nito. Panahon ng Martial Law noon nang...